kauuwi ko lang mula sa thesis proposal presentation ng mga estudyanteng nagme-major ng malikhaing pagsulat (MP) sa Bulacan Condition College. hanga ako sa mga itinanghal nilang panukalang proyekto.
(at nainggit ako na meron silang ganon. noong time ko being an undergrad (sa ibang paaralan), wala pang thesis proposal presentation. iisa lang ang titingin sa thesis mo. iyong advisor lang. wala ring defense ng thesis noon. magsa-submit ka lang ng final version ng thesis mo. kaya nakakatuwa na may ganitong dagdag na activity para sa mga nag-aaral ng MP kasi mas marami ang titingin sa proyekto mo. mapupulido ito at mapapakinis pa. mas mapapaganda ang mismong thesis.
walo silang nag-present kanina. dalawang estudyante na susulat ng sanaysay at anim naman ang susulat ng dagli.
ang unang presentor ay puzzle ang trope. Piraso at iba pang sanaysay ang kanyang pamagat. medyo buhaghag at vague pa ang kanyang ideya sa isusulat. sabi niya, magsusulat siya tungkol sa mga bagay na bumubuo sa sarili. something of that nature. ang nasa isip ko, ano nga iyon, te? hahaha ang kulit. wala siyang binanggit na ispesipiko. batay naman sa outline, ang plano nya ay isulat ang buong buhay niya. that we think is simply too much for any book of essays. mas maganda pa rin na me limit o focus ang subject ng isang libro. tapos katatanong namin, lumitaw na namatayan pala siya ng tatay noong bata pa siya pagkatapos ay nagtrabaho ang mama niya sa ibang bansa. lumaki siya sa tiyahin, at iyon daw ang gusto niyang isulat. there you have it! ayun ang focus.
ang ikalawang presentor ay ang intern ko dati. si cathlee olaes. ang trope niya ay biyahe. medyo gasgas, oo, pero ang focus niya ay ang maniobra (na siya ring tentatibong pamagat ng koleksiyon).
sabi niya, itatampok sa kanyang koleksiyon ang mga biyahe niya sa buhay (literal at metaporikal) kung saan naligaw siya o nakaengkuwentro ng stalemate pero dahil sa pagmamaniobra ay ligtas siyang nakakarating sa patutunguhan. ang pagmamaniobra o pagkabig sa manibela para sa kanya ay katumbas ng pagtanggap sa nakaharap na problema, pagkatuto mula rito at eventually ay ang pag-move ahead. natuwa ako sa title dahil may salitang obra at isa iyon sa tinanong ko kung napili ba niya ang salitang iyon dahil sa obra. hindi raw, ahahaha! inilantad noise niya ang takot niyang bumiyahe mag-isa halimbawa pa-metro manila. nang ungkatin ko ito, sinabi niya na wala kasi siyang kasama at wala kasing sasakyan. so lumabas na medyo may pagka-middle-class ang kanyang punto de bista. pero promdi. so, promdi na middle-class ang punto de bista. ang nai-suggest ko rito, mas maganda na ipaliwanag niya na bulacan ang kanyang kilometro zero.
connect-disconnect
kaibigan ni cathlee si ac, ang presentor. ilang beses ko nang na-meet ang batang ito sa mga pampanitikang okasyon. masigasig talagang matuto tungkol sa panitikan at pagsulat. hindi ko masyadong na-appreciate noong una ang kanyang presentation. ang haba kasi ng paliwanag niya tungkol sa damaged family, ang kanyang paksa. ipinaliwanag noise niya kung paanong naaapektuhan ang bawat miyembro ng pamilya kapag dinaranas nila ito. may binanggit noise siya na burol at libing na hindi ko talaga naintindihan. sa buong presentasyon niya, ang nagustuhan ko lang at naintindihan ay ang halimbawa niya ng dagli.
ito ay isang facebook chat ng isang mag-ama tungkol sa pagbili ng bahay. ang gaan ng mga salitang ginamit niya sa kanyang akda. ang gaan ng flow pero ambigat ng ending. boom. hindi mo aakalain na ganon ang ending. therefore, ang talino ng design. later, nong nag-uusap na kaming mga panelist tungkol sa proyekto ng mga estudyante, naikuwento ni bayviz (isa sa mga guro sa bulsu at naging kaklase ko sa MP noong undergrad at siyang nag-imbita sa akin sa BulSu) ang konteksto ng burol at libing na nabanggit ni ac sa proposal niya. may namatay na kamag-anak sa ama si ac. at doon mismo, sa burol at libing nito, nalaman niyang may first wife at mga anak ang kanyang tatay. ang tatay niya ay isang ofw. so ang gusto palang isulat ni ac ay ang nangyayaring disconnect sa kanilang magtatay sa tuwing magko-connect sila (via Facebook chat) dahil iniri-reveal ng kanyang tatay sa kanya ang lahat-lahat sa mangilan-ngilang pagkakataon ng pagko-connect nila sa isa’t isa. ang galing, di ba? matalino ang design. kailangan lang i-revise ang thesis proposal dahil mas nagpokus iyon sa pagpapaliwanag sa konsepto ng damaged family.
namamahay
valiant ang pangalan ng nag-present. pinakagusto ko ito sa lahat dahil ang ganda at very filipino ang konsepto ng namamahay. sabi ni valiant, ang tagal nilang nangupahan sa Maynila. nang makabili sila ng bahay sa bulacan, lumipat sila agad dito pero saka siya nakaramdam ng matinding pagka-unnatural, saka siya namahay. lagi raw niyang nami-miss ang buhay nila sa caloocan. so tungkol noise ito sa displacement, pero this time around, hindi maynila o sentro ang nagdi-displace sa kanya kundi ang provincial at periphery. ang galing di ba? ang champion ay ang pagkakahati ng mga akda: in your own home na makikitaan daw ng parikala dahil in your own home ang termino, ibig sabihin ay bahay na nilang talaga ang kinaroroonan niya pero feeling nga niya ay hindi pa rin siya in your own home. ang ikalawa naman, terrace, dahil ang lugar daw na ito sa bahay ay alanganing nasa loob at alanganin ding nasa labas. gandang-ganda rin ako sa halimbawa ng akda niya na tungkol sa isang kauuwi lang na OFW. Pinagkaguluhan ng pamilya ng bida ang maleta nito. pero ang mismong bida, hindi pinapansin ng sariling pamilya. nagkaroon tuloy siya ng panahong mamasdan ang mga picture frame sa sala. buong pamilya ang naroon, siya lang ang wala. saka siya nagtanong sa sarili, gaano na nga ba katagal siyang nawala sa kanilang tahanan?
silang nananatili
may problema ako sa panukalang pahayag nito dahil may pagka-awkward ang pagkakasulat. pero napakaganda ng konseptong papel na ito. kabaliktaran ito ng namamahay. ang author ay ilang ulit na lumipat ng apartment kasama ang kanyang pamilya. napadpad sila sa baguio, benguet at, finally, sa bulacan. para bagang wala silang feeling of permanence. pero ang nakakapagtaka roon, parang na-in your own home ang estudyanteng ito sa ganon, sa palipat-lipat. kaya ang para sa kanya, may mga naiiwan, may nananatili kahit sa mga bagay na saglit lang at panandalian. iyon ang itatampok niya sa kanyang mga sulatin. kung sa koleksiyon na namamahay, ang mananaig na damdamin ay ang paninibago at di mapakali sa something na permanente, ito namang silang nananatili ay kampanteng kampante sa mga hindi permanente. ang ipinakitang akda ng estudyanteng manunulat ay tungkol sa isang tenant na wala nang perang pang-upa kaya katawan na lang ang ibabayad sa may ari ng apartment. mahusay magtimpi ang panulat niya. at nakakatuwa rin na may usaping pangkababaihan na nasangkot sa dagling ito.
bagong nayon
wala sa naratibo ng mga taga baliwag ang pag-unlad ng baliwag, iyan ang panukalang pahayag. dito ako pinaka-impressed dahil extensive ang pagbabasa ng presentor na si michael angelo santos. tanging siya ang nagbasa ng mga lumang aklat (halimbawa ay ang magmamamani ni teofilo sauco na taga baliwag noise). karamihan sa mga librong nabasa at nakatala sa thesis proposal ng ibang estudyate ay puro contemporary pinoy books (benta si eros sa kanila, si ricky lee, sina amang jcr at abdon balde, junior.) at halos pare-pareho ang title/genre at iba pa. napakalinaw noise ng gustong mangyari ng author sa thesis niya kasi may focus agad ang kanyang paksa (danas ng pagbabago sa landscape ng baliwag) at ang paraan ng pagpresent niya sa harap, napaka-passionate, halata na personal niyang krusada ang proyekto, tubong baliwag siya. kung sa iba, hindi idinedeklara ang kilometro zero, ito tukoy na tukoy: ang baliwag. na-appreciate ko ang gagawin niyang pagtalakay sa changes na nagaganap sa isang lugar sa pamamagitan ng pagkukuwento ng kuwento ng mga kababayan niya (ginawa ko rin ito sa mens world, filled with mapa pa!). ipapakita rin niya hindi talaga advantageous ang changes na nagaganap sa kanilang lugar.
iglap sa danas ng teknolodyi
epekto ng iba’t ibang media sa kabataan ng kontemporanyong panahon ang paksa ng akda. nais talakayin ng estudyante rito ang pagiging fleeting ng mga bagay-bagay lalo na sa mundo ng internet at social networking. para sa kanya, isang iglap na lang ang lahat, wala nang nagtatagal at iyon ay dahil sa pagpasok ng teknolohiya sa pagkatao ng tao, particularly ng kabataan. ang maganda sa plano ng estudyante ay hindi lang siya sa pormal na mga teksto kukuha ng datos o ng ideya kundi maging sa confessional pages sa Facebook, testimonials sa internet, love tales sa radyo at balita sa TV. sa lahat ng nag-present, siya lang ang may planong lumabas sa mundo ng mga aklat para sa kanyang sanggunian. ang sample niyang akda ay nagsaad ng personal niyang danas nang makatagpo ng mamahalin sa pamamagitan ng isang website para sa mga naghahanap ng lovelife. nagkakilanlan sila nang maigi sa Facebook pero di nagtagal ay nag-break noise sila, ni hindi man lang nagkita ang dalawa. ang kanilang relasyon ay nabuo sa isang iglap ngunit nagtapos noise sa isang iglap. incidentally, teknolodyi talaga ang spelling ng estudyante sa salitang iyan.
malisya
haunting ang laman ng kanyang proposal. mga erotikang dagli ang nais niyang isulat pero ang isa sa mga tatalakayin niya ay ang karanasan ng mga batang nakaranas ng sexual abuse. medyo nalito ako. paanong magiging erotika iyon? buti na lang at naitanong ito ni makis sa estudyante. ang paliwanag ng estudyante, nais niyang ipakita na ang mga tulad niyang nakaranas ng sexual abuse noong bata ay nag-iiba ang tingin sa mga bagay-bagay. halimbawa, nagiging malaswa ang simpleng pagkain ng ice chocolate. sa lahat ng proposals, ito ang consistent sa gamit ng salita. mahalay completely. pero walang bago rito at madali ito kung tutuusin dahil madaling matukoy ang mga salitang puwedeng-puwedeng gamitin kung nais mag-joke tungkol sa sex. akala siguro ng estudyante ay bago ito at daring dahil sa kanilang lahat, siya lang ang tatalakay sa sex. to proposal, sabi ng estudyante, gusto niyang patunayan sa mga tao na kapag ang isang kabataan ay may malisya ang tingin sa bagay-bagay at malisyoso magsalita, hindi ito dahil sa malisyo lamang ang estudyante, gusto niyang sabihin na may malalim na dahilan kung bakit iyon ganon. at ang dahilan nga ay usually raw nakaranas ng sexual abuse ang ganong kabataan. ganon nga raw ang nangyari sa kanya at sa marami sa kanyang kakilala. Hindi ako masyadong nakapag-react dito dahil ang slow ko that point, parang internet lang hahaha pero nakapagsalita na ako nang maayos noong kami-kami na lamang mga panelista ang nag-usap-usap. ang verdict, hindi erotika ang dagli na gustong isulat ng estudyante. nagkamali lang ito ng gamit ng salitang erotika. ang sample niyang akda ay napakaganda. very disturbing! tungkol ito sa tatlong batang naglalaro ng taguan.
pagkatapos ng presentasyon ng lahat ng estudyante, nagpulong ang mga panelista (ako, sina professors deane camua, bayviz calleon, makis magaling, orly pineda at rael -sori nalimutan ko ang apelyido niya!) at kinalap ang mga rekomendasyon para sa bawat estudyante. pagkatapos niyon ay nagmungkahi ako na kilalanin ang kahusayan at strength ng bawat presentor sa pamamagitan ng paggawad ng. either isang pirasong C2 or isang piraso ng tinapay with tuna, hahaha
so eto iyong mga ginawaran at ang kanilang strength at kahusayan
PINAKA-MMK award- Piraso at iba pang sanaysay
PINAKA-Well Crafted ang hands out award- iglap sa danas ng teknolodyi
PINAKAMAHUSAY NA PRESENTOR award- bagong nayon
PINAKAMAHUSAY NA KONSEPTO award- maniobra at iba pang sanaysay
OVERALL NA PINAKAMAHUSAY award- Namamahay
PINAKA-EKSPERIMENTAL sa anyo ng sample na akda award- connect -disconnect
PINAKA-Champion SA MAMBABASA award- may permanente sa panandalian
PINAKAMAHUSAY NA MANUNULAT batay sa sample na akda- malisya
sabi ni deanne, ang course na MP ay kadalasang nagiging second choice lang ng mga estudyante sa BulSU. Tipong kapag bumagsak sa Engineering, doon lilipat, sa MP. Nakakalungkot, ‘no? Pero hindi naman isolated situation ito. Ganyan noise naman sa UP. ang daming nagtapos doon ng MP o Creative Writing, na ang dating major ay Engineering, Chemistry, Math at iba pa. Kung ikukumpara kasi sa ibang course, hindi pa ganon kapopular ang MP kaya kakaunti pa lang ang talagang nag-eenrol dito o di kaya ay ang pumipili rito bilang first choice nilang kurso.
Mukhang matagal pa bago magkaroon ng sariling quota ang kurso na ito. mukhang matagal pang magiging tagasalo ng estudyanteng galing na sa ibang kurso ang kursong MP. mabuti na lang, sa ngayon ay napapanatili ang mataas na kalidad ng mga output sa kursong ito sa pamamagitan ng matinding pag-aalaga ng mga guro sa talento ng mga MP student. kabi-kabila ang mga workshop at presentasyon ng akda tulad ng poetry studying at pagpapalabas ng dula. nakita ko ang sigasig ng mga guro para magabayan sa kanilang pagsusulat ang mga estudyante. kapag nagsasalita sina Bayviz at Makis noong nangangalap na ng rekomendasyon ang mga panelista, halatang kabisado nila ang akda at poetics ng kanilang estudyante.ibig sabihin, tutok sila sa mga ito.
isang hakbang tungo sa pagpapatatag ng kursong MP ang pag-i-institutionalize ng thesis proposal defense ng mga graduating student. kaya binabati ko ang lahat ng guro, kasapi ng admin at pati na ang mga estudyante sa pagtataguyod nito. congratulations talaga. napakahirap nitong gawin. ubos-oras-energy-pera. pero pinagsisikapan ninyo pa rin itong magawa at magawa nang mahusay. sana ay tularan kayo ng iba pang pamantasan o anupamang educational institution na may kursong Malikhaing Pagsulat o Creative Writing.
Para sa panitikan, para sa bayan.