Home » Proposal » Pasasalamat o pagkilala thesis proposal

Pasasalamat o pagkilala thesis proposal

Pasasalamat o pagkilala thesis proposal nag-reresulta

Epekto ng Facebook sa mga mag-aaral ng Hayskul sa Unibersidad ng Immaculada Conception Isang pamanahong papel na iniharap sa Filipino, Unibersidad ng Immaculada Conception Departamento ng Hayskul Bilang pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng asignaturang Filipino IV ng IV- St. Gabriel Marso 2012 Pasasalamat o Pagkilala Kaming mga mag-aaral ng IV-St. Gabriel ay taos pusong nagpapahatid ng pasasalamat sa Panginoong maykapal, na lagging sumusuporta sa aming mga ginagawa upang maisaayos at matapos ang pamanahaon papel na ito. O panginoon salamat sa walang tigil na paggabay sa amin sa mga paghihirap at saying handog mo sa amin. Sa aming Pamilya na laging na riyan at lagging handang sumuporta sa lahat ng aming mga kailangan naming mapagtagumpayan. Kung wala kayo mahihirapan kaming kumuha o humugot ng inspirasyon para matapos ito sa gitna ng mga problemang napagdaanan sa paglikha ng pamanahong papel na ito. Sa aming mahal na guro sa Filipino, Ginang Elbesa R. Ibarra, kami ay nagpapasalamat sa mga aral na aming natanggap mula sa inyo. Sa mga pagtulong upang malinang lalo an gaming kaalaman sa pamanahong papel na ito. Sa pagtatama n gaming mga kamalian sa bawat parte ng pamanahong papel na ito. Nagpapasalamat rin kami sa mga pinagkunan o hiniraman namin ng impormasyon upang maging matagumpay ang pamanahong papel na ito. Kung wala kayo wala kaming mga impormasyon na makakalap upang mapagtagumpayan ang pamanahong papel na ito. Dahon ng Pagpapatibay Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino IV, ang pamanahong papel na ito ay pinamagatang Epekto ng maagang pagpasok ng Premarital Sex sa mag-aaral sa Ikalawang taon ng Hayskul, ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik sa IV-St.

Pasasalamat o pagkilala thesis proposal aral na aming

Gabriel, na binubuo nina: Lariza Feby Lacsamana Angela Fortuza Freia Dumandan Bianca Buenaventura Noeryl Pleasure Rivera Louniel Maglasang Severino Catipay III Bruard Uy Kim Somosot James Apolonio ______________________________________________________________________________________________________ Tinanggap sa ngalan ng Filipino, Unibersidad ng Immaculada Conception, bilang isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang Filipino IV. Elbesa R. Ibarra Guro sa Filipino Kabanata 1 Panimula Sa panahong ito ang mundo ay tuloyan nang nagbabago, habang nagbabago ang teknolohiya nagbabago rin ang mga gumagamit nito, ang tao, ang epekto ay sadyang pagkabulag ng tao sa maling mga gawain at hindi kaayayang pakikisalamuha sa ibang tao. Maraming epekto ang mga bagong invention tulad lang ng Facebook na ginagamitan ng internet puwedeng mag”chat”, mag kumento, mag”like” at kung ano-ano na ipapahayag sa facebook. Ang mga impormasyon na ipinahayag sa Facebook ay maaaring makita ng laha ng gumagamit nito. Dahil sa bagay na ito ang mga tao ay lubos na kinahiligan ito kaya ito ay inabuso nang marami. Ang mga diskriminasyon at mga hindi kaayayang mga salita upang makakuha lamang ng atensyon o makipag-away sa isang tao. Ang karamihan sa gumagamit nito ay halos mga kabataan at tinatayang 19% ang tinatayang dami ng mga kabataang nahuhumaling sa Facebook. a. Ang Suliranin at Kaligiran nito Local – Sa lungsod ng Davao City, Rehiyon XI ang paggamit ng Facebook ay normal lamang halos libo-libo ang gumagamit nito kada-araw mapa-Kompyuter man o mapaselpon ang mga mamamayan ng Davao City ay gumagamit nito.

Pasasalamat o pagkilala thesis proposal XI ang paggamit

Sa mga naitalang reklamo sa Davao City may mga pagkakataon na ang Facebook ay nagiging dahilan ng mga reklamo, kadalasan nito ay sa mga kabataan ang pang-aabuso sa mga aktibidad sa Facebook. Ang madalas na awayan sa Facebook ay kinalalabasan ng mga hindi kaayaayang mga salita at panlalait. Nasyonal- ayon sa world wide web.socialbakers.com/facebook-statistics/philippines may 27,593,300 na Pilipinong gumagamit ng Facebook na nag resulta na nagging ika-8 tayo sa Facebook Statistics. Sinasabing ang pinakamalaking bahagdan ng gulang na gumagamit ng Facebook ay 18-24 taong gulang na umaabot sa 39 % porsyento at pumapangalawa rito ang 25-34 taong gulang na umaabot sa twenty four percent porsyento na sinundan ng 16-17 taong gulang na eleven percent porsyento at 13-15 taong gulang eight percent porsyento, kung susumahin ang porsyento ng 16-17 taong gulang at 13-15 taong gulang umaabot ito sa nineteen percent porsyento na ibig sabihin ay marami-rami na rin ang mga kabataan o hayskul na gumagamit ng Facebook. Global- mariming mga bansang hindi tinanggap ang Facebook para sa kanilang mamamayan tulad ng Republika ng China, Iran, Uzbekistan, Pakistan, Syria at Bangladesh. Dahil sa diskreminasyon tulad ng “anti-Islamic” at diskreminasyon sa relihiyon. Ipinagbawal rin sa mga opisina at mga pagawaan ng produkto na gumamit ng Facebook dahil nakaka-apekto ito sa pagtatrabaho ng mga empleyado at iba pa. Marami na ring mga hindi inaasahang pangyayari ng dahil sa Facebook. Ang sinsabing pribado ay tila wala na raw epekto ayon sa Readers Digest dahil araw-araw ang mga tao ay laging ipinapaalam sa Facebook kung anung nangyayari sa kanila minu-minuto. b. Layunin ng mga Pag-aaral Ang layunin ng mga pag-aaral na ito ay upang: mailahad ang mga epekto ng Faceboook sa mga mag-aaral sa hayskul sa Unibersidad ng Immaculada Conception maipakita ang dahilan ng paggamit ng mga mag-aaral sa hayskul ng Facebook at para mamulat ang mga mag-aaral sa kanilang pagkalulong sa Facebook. Upang maliwanagan ang mga maling gawain sa loob ng Facebook. c. Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ditto natin malalaman kung ano nga ba ang magaganda at masasaman epekto ng paggamit ng mga mag-aaral sa Hayskul ng Facebook. Sa pag-aaral na ito, mabibigyan rin ng pansin ang dahilan ng pagkahilig ng mga mag-aaral sa paggamit ng Facebook lalo na’t ngayon ay tumataas na ang bilang ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng Facebook Account. d. Saklaw ng Limitasyon Sa pananaliksik na ito, matutunghayan lamang natin ang sari-saring epekto ng paggamit ng mga mag-aaral sa hayskul ng Facebook. Ilalahad naming dito ang mga dahilan ng pagkakalulong ng mga mag-aaral sa paggamit ng Facebook. Ihahayag rin naming ang mga magaganda’t masasamang bagay na mangyayari sa paggamit ng Social media site na ito. Ang solusyon ay hindi na mapapabilang sa pag-aaral na ito. e. Depinisyon ng mga Terminolohiya Social media site- isang aplikasyon sa internet na puwedeng maki salamuha sa ibang tao at maging malapit pa sa kanila. Chat, share, publish, comment at iba pa- ay isang actibidad sa isang social media site tulad ng facebook. Kabanata II- Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Ang kabanatang ito ay binubuo ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ng Pag-aaral ng Epekto ng Facebook sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Immaculada Conception. A. Kasaysayan ng Facebook Ang Facebook ay isang popular na social media site na nagsimula noong 2003. Nagsimula ito bilang “Facemash”. Ginawa ito ni Mark Zuckerberg kasama ng kanyang mga kaibigan at roommates na si Chris Hughes and Dustin Moskovitz. Noong taong 2005, binuo niya ulit ang Facebook at tinawag itong “the Facebook”. B. Kahalagahan ng Facebook Maraming ring maitutulong ang Facebook, gaya ng paghahanap ng isang user ng kanyang mga kaibigan sa iba’t-ibang panig ng mundo, pakikipag-communicate sa mga kamag-anak o mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar, pakikipag-kaibigan at pakikipag-”Socialize”. Malaki rin ang maitutulong nito sa pag promote ng mga negosyo o produkto. Ayon sa isang website: “Facebook presents a distinctive marketing chance for companies through the development of Facebook Business Pages. Weight loss people explore social networking, social networks have grown to be a few of the key online sources they will use to understand more about products, organizations, artists and world occasions. Marketing on Facebook includes a viral effect – information spreads through systems tremendously.” Disadvantages&id=2051514 ezinearticles.com/?Facebook-Advantage-and- C. Mga Negatibong Epekto Ayon kay Ray D. Rosen, PhD, professor of psychology at California Condition College, ang Facebook ay maraming negatibong epekto sa mga kabataan. Ayon kay Dr. Rosen: “Teens using Facebook continuously may show narcissistic habits and youthful adults show more indications of other mental disorders. Spending additional time on Facebook might also bring medical problems.” news.oneindia.in/2011/08/09/tech-negative-positive-effects-of-facebook-part1.html Narito pa ang iba’t-ibang epekto ng Facebook sa mga kabataan: • Ang Facebook ay nagiging Distracting at nagdudulot ng less concentration sa pag-aaral ng mga estudyante. • Ang sobrang paggamit ng social networking at teknolohiya ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa kalusugan ng mga kabataan dahil nagdudulot ito ng anxiety, depression at ibang mental disorders, at maari pang maging epekto ng mga sakit. • Ayon sa mga pag-aaral, ang mga estudyanteng nag o-open ng kanilang mga facebook accounts ng atleast fifteen minutes sa isang araw ay nag-reresulta ng pagbaba o maliliit na mga grado. • Hindi nagkakaroon ng Privacy at maaring makapag “stalk.


Share this:
custom writing low cost
Order custom writing

ads