Home » Proposal » Maaaring paksa sa thesis proposal

Maaaring paksa sa thesis proposal

Maaaring paksa sa thesis proposal na ito ang buhay

Hindi hadlang ang kasarian sa pagkamit ng minimithing taguympay.

B. Introduksiyon/ Paglalahad ng Suliranin

+Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga bakla na nagsimula sa hirap at nakamit ang tamis ng tagumpay.

+Ang pagiging bading ay hindi tanggap sa lipunan at hindi nabibigyan ng karapatang maipakita ang kanilang kakayahan at karunungan sa isang propesyon sapagkat sila ay agad na hinuhusgahan ng mga tao.

+Sa kasalukuyan, may ilang mga bading na rin ang nagtagumpay dahil sa kanilang sipag at tiyaga at angking galing at talento sa iba’t ibang larangan.

+Marahil sila ay naging matagumpay dahil sila ay matiyaga, masipag at gustong matuto sapagkat ang kanilang unang hangarin ay makatulong sa pamilya. Dapat silang tularan dahil sila ay determinadong makamit ang kanilang pangarap sa buhay.

+Ang kanilang naging suliranin ay hindi sila katanggap- tanggap sa lipunan, madalas silang nabubugbog at walang magawa kung hindi kimkimin ang kanilang nararamdaman.

C. Rebyu ng Pagaaral

Ayon sa aming pananaliksik sa internet na may website na “pinoyexchange.com ” makikita natin doon ang mga ibat-ibang kumento ng mga tagaha ng ibat-ibang programa. Kami ay nakabasa ng isang komento na galing kay delle_ever, siya ay humanga sa kwento ng buhay ni Ricky Reyes sa programang Magpakailanman ng GMA-7. Ang kwento ng buhay ni Ricky Reyes ay nagsilbing inspirasyon sa mga taong nakapanuod nito. Si Mother Ricky ay may masaganang buhay ngayon, hirap man sila noon nagsumikap siya at nagkaroon ng ambisyon na tumutulak sa kanya upang makamit niya ang kanyang mga pangarap. Sabi niya,”Habang may buhay, masipag kay, may ambisyon at naniniwala sa Diyos, ang tagumpay ay laging nakadikit saiyo.” Si Mother Ricky ay isang matgumpay na “Hairdresser” na ngayon, bukal sa kanyang puso na tumulong sa mga taong nangangailangan.Para sa mga mananaliksik ang mga ganitong halimbawa ay nakakatulong at nakakapagbigay inspirasyon sa mga taong naliligaw sa kanilang landas sa buhay.

Maaaring paksa sa thesis proposal sa kanya

Siya man ay isang bading napatunayan niya sa maraming tao na hindi lahat ng bading ay walang kuwenta at salot sa lipunan. Sana ang ganitong kwento ay nakapagbigay aral sa lahat.

1. Layunin nitong makapagbigay ng bagong pananaw ukol sa mga tao na kung ituring ay salot sa ating lipunan.

2. Layunin nitong magsilbing inspirasyon sa mga mambabasa na tila ba ay nawawalan na ng pag-asa. Mambabasa na homosexual o heterosexual.

3. Layuning makapagbigay aral sa mga negosyanteng nalugi na.

4. Layuning maitaas ang tingin sa mga bading at mabigyan ng pagkilala at pantay na karapatan.

5. Layuning makapag-ambag ng kaalaman sa negosyo o business management, aral sa sexuality. at sa human psychology.

1. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat ito ay makakatulong upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga bagong negosyante at mga tulad naming Commerce Students o estudyante ng Komersiyo.

2. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat matutulungan nito ang mga bading o lesbian na mabawasan ang diskriminasyon na kanilang nararanasan o mabago ang kanilang kapala

F. Konseptuwal o Teoretikal na balangkas

Ang mga bading ay nakaranas ng paghihirap dahil sila ay hindi tanggap sa lipunan, sila ay kinukutya at mababa ang tingin sa kanila, ngunit sa kanilang kagustuhang matulungan ang kanilang pamilya, sila ay nagsikap at nagtayo ng negosyo na kanila namang hilig gawin.

Umangat sila sa dati nilang estado dahil sa sipag at tiyaga at ngayon sila ay umasenso sa buhay at masaya sa kung ano ang mayroon sila.
G. MetodolohiyaSa pamamagitan ng personal na paginterbyu at pagkalap ng mga datos na nagmula sa iba’t- ibang babasahin ay nakakuha kami ng sapat na impormasyon upang magawa ang aming pananaliksik.
H. Saklaw o Delimitasyon
Ang sakalw ng pananaliksik na ito ay patungkol sa mga negosyanteng bakla, negosyo, kasarian, sa mga values na maaaring ating matutunan at idea sa pagnenegosyo lamang.
I. Daloy ng Pag-aaralAng Kabanata I ay tumatalakay sa tagumpay na nakamit ni Allan J. Quilantang o kilala sa tawag na Allan K. at sa kanyang mga negosyo. Nakalahad dito ang ilang impormasyon kung paano nagsimula si Allan K. sa pagnenegosyo, kung ano ang naging batayan at inspirasyon niya upang pasukin ang mundo ng pagnenegosyo. Ang Kabanata 2 ay tumatalakay sa buhay ni Dennis Jimenez o kilala sa pangalang &” Dana Santiago&”. Sa kabanatang ito nakalahad ang kanyang naging problema sa kanyang negosyo, isa na doon ang kanyang kasarian. Dito niya isiniwalat niya ang kanyang sikreto upang maging matagumpay na negosyante sa larangan ng pananahi at pagdedesenyo ng damit.
II. Big PanimulaA. Small Panimula
Ang pananalisik na ito ay tungkol sa mga bading na nanggaling sa hirap at ngayon makikita natin ang kanilang mga pag-unlad. Dalawang magkaibang buhay ang tatalakayin ng research na ito.
Ang unang kabanata, ay ang buhay ni Allan J Quilantang o mas kilala sa tawag na Allan k. Marami na rin siguro sa atin ang nakakaalam sa buhay niya, dati siyang mahirap, pero ngayon, maunlad na siya. Malalaman natin ang naging pagamon ni Allan k. sa kanyang buhay at mga gingawa niyang hakbang sa pagkamit na kanyang tagumpay. Itatalakay din ng pananaliksik na ito ang buhay ni Dennis Jimenez Santiago o Dana Santiago. Anu kaya ang mga naging hakbang niya upang makamit niya ang rurok ng tagumpay at paano niya nalagpasan ang pangungutya sa kanya noon. Tunghayan natin kanilang mga buhay at maaari tayong makakuha ng ideya sa kanila.
B. Small Katawan
Kilala natin si Allan J. Quilantang o Allan K. bilang isang komedyante at host ng noontime show na &”Eat Bulaga&” at primetime show na &”All Star K&” subalit ang hindi natin alam ay nakapagtapos siya ng Accounting degree holder sa West Negros College at sa kasalukuyan isa na siyang matagumpay na negosyante bilang may-ari ng apat na comedy bars: KLOWNZ, sa Quezon Ave. ZIRKOH, sa Timog t sa Greenhills; at sa BARRACKZ, sa Tomas Morato. Nagsimula sa Allan K. na magnegosyo noong 2001 kung saan ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maging isa sa mga kasosyo sa bagong bar na dati ay Sam’s Diner sa Quezon Ave. subalit sa halip na ilaan lamang niya ang nalalaman sa showbiz business para sa marketing purposes ay nagdesisyon siya na umupa ng lugar mula sa dating may-ari ng bar ay nagtayo siya ng kanyang sariling bar, na ngayon ay KLOWNZ.Sa tulong ni Onak Reyes na isang production designer ng Eat Bulaga ay nabago nila ang anyo ng bar. Ang pagpasok sa ganitong negosyo ay isang lohikal na hakbang para sa isang tao na naging komedyante simula pa noong 1984. Ang kanyang paliwang, &” I believe kasi na kung ang gusto mong pumasok sa isang business, it has to be something that you understand well. Eto yung alam ko eh. All my life nasa bar ako, kumakanta ako. Alam ko patakbuhin. Alam ko kung ano ang gusto ng tao at kung ano ang ayaw nila. Actually, lahat ng naipon kong experience sa pagkanta, pagpatawa at pagpeperform, binuhos ko lahat at saka pikit mata kong binuksan ang negosyong ito.
Ang pangalawang kabanata ay tungkol naman kay Dennis Jimenez Santiago ngunit mas gingamit niya ang pangalang Dana Santiago. Si Dana ay 46 taong gulang na. Nakati siya sa Manila. Marami siyang pinagkakakitaan. Sa umaga pumupunta siya ng national library. Nakatapos kasi si Dana ng BS Psychology sa University of the Philippines, kaya kapag umaga nagtatranaho siya gamit ang kanyang propesyon. Pagkatapos noon, pupunta siya ng divisoria para mamili ng mga tela na gagamitin naman niya sa negosyo niya na Dress Shop. nagsimula ang negosyo niya sampung taon na ang nakakalipas. Matagal tagal na rin. Ayon sa kanya &”Napili ko ang negosyong ito dahil nakahiligan ko. Well, actually ang nanay ko ay isang teacher ng dressmaking then ang tatay ko naman ay may business na tailoring shop, so hindi nakakapagtaka kung bakit ko ito nakahiligan.&” Kahit na malayo sa pinagaralan ko ang negosyo ko, ito talaga ang gusto ko. Ang location ng negosyo ni Dana ay sa may kamuning. Ang negosyo niya ang simple lang, may mga sapat na mananahi at magatatabas. Meron din siyang tagalinis. Ang mga customer niya ay kalimitan mga taga bangko. Siya ang tumatahi ng mga uniforms ng mga ito. kabilang sa mga bangko sy BPI, Bangko de oro, Metrobank at marami pang iba. Nagtatahi siya ng damit from formal to casual. Gumagamit siya dati ng advertisement para makilala siya pero ayon sa kanya, masaya na siya sa kung anumang meron siya ngayon. Nagsimula ako sa maliit na kapital. &”Importante kasi na kapag pumasok ka sa negosyong ito, kelangan mo ng mananahi at syempre makina. Kailangan mo magpundar sa business mo.&”pagpapatuloy. Ang income ni Dana ay umaabot na ng 100,000 pataas, sapat na daw para tustusan ang kaniyang mga pangangailangan. &”Sulit naman pero minsan iisipin mo marami ring mga gastos. For example, pagmalaki ang kita mo, syempre malaki din ang gastusin mo dahil malaki rin ang pagkonsumo mo halimbawa sa kuryente, pero yung kita mo kumbaga sapat at tama lang para sa kailangan mo, konting bisyo, konting luho.&” aniya.
Ayon sa kanya, may mga pagkakataon na nakakaencounter siya ng problema pero buong puso niyang hinaharap yun. Nagkakaproblema siya sa kanyang mga tao na yung iba bigla bigla na lang pakibagayan. Syempre dapt ididistansiya mo rin ang sarili mo kung sino ka roon sa kanila. Pwede mo silang biru-biruin o chika chikahin pero kailangan alam din nila kung sino ang amo. Hindi ako nag-aral kung paano magtayo ng business pero habang tumatagal natututo ako. Alam ko kung ano ang mga dapat kong iwasan.&”Nagtanong kami ng rekomendasyon sa kaniya, at ito ang ilang kanyang mga sinabi &” Ang rekomendasyon ko s amga taong gusting pumasok sa ganitong business, syempre dapat may puso sila sa lahat ng gagawin nila. Kagaya ko, kaya ko gusto yun dahil mahilig talaga ako sa pagdedesign ng damit at gusto ko talaga ito.&” Diin pa niya. &” Buong puso ko talga hinarap ang negosyo ko. Kasi kunware kunware umaalis. Ang paliwanag niya sa amin &”Ibat’t iba ang ugali ng hindi mo alam o wala kanga lam sa negosyong iyon, mahihirapan ka. Syempre ikaw ang magpapatakbo nito. Paano mo ihahandle ang negosyo, kung ikaw mismo hindi mo alam ang mga ginagawa no. Kasi kunware kapag nawalan ka ng tauhan mo, at least hindi mo ito iindahin dahil alam mo naman kung paano ito sinasagawa. Yung mga bagay na ginagawa niya ay mas alam mo kaya kahet wala siya ok lng. &” pagpapatuloy ni Dana.May balak pa daw siyang palaguin ang business niya. Ipinaliwanag pa niya lahat tayo may iba’t ibang happiness. Kung Masaya ka na doon, ok pero minsan mas sumasaya ka kapag may nagagwa ka na mas bago sa gingawa mo.
&”Noong bata ako ramdam ko ang diskriminasyon dahil nga bading ako pero hindi ito naging hadlang sa pagpapatakbo sa gusto ko. Nasurvive ko na ang mga pangungutya noon na &”BAKLA BAKLA&” na lagi sinasabi sa akin habang dumadaan ako. Para ba talagang salot kami. Napatunayan ko naman sa kanila na hindi hanggang doon lang. Kagaya ngayon, masasabi ko na Masaya ko kasi umunlad ako. Masipag akong tao. Talagang naniniwala akong sipag ang susi sa pag-unlad. Alam ko rin kung ano ang tama at mali. Alam ko ang limitasyon ko (kunware sa pakikipagrelasyon sa lalaki). Alam kong hindi pwedeng maging pantay ang pagtingin sayo at alam ko yun. Iba ang mga babae sa amin. Hindi mo dapat pinipilit ang isang bagy na Malabo o hindi maaaring mangyari. Ang pinakamahalaga kasi, kailangan alam ng tao kung ano ang kanyang kinalalagyan. Syempre kapag lumabas ka na sa teritoryo mo mahirap nay un, doon magkakaroon ng problema. Pero pag alam mo kung anu ka, doon ka dapat lumagay.&” Ito ang mga huling katagang kanyang sinabi sa amin. Naging malinaw na man sa atin ang buhay ni Dana, mula sa pagiging mahirap, sa naranasang pangungutya ng mga tao dahil sa kanyang kasarian hanggang sa kanyang pag-unlad.
III. Big Pangwakas
A. Small Pang-wakas
Nakalahad sa report na ito ang ilang impormasyon na makakatulong sa atin upang mas lalo natin maunawaan kung patungkol saan ang aming pananaliksik. Nakasaad dito kung sino ang aming naging pangunahing paksa bilang halimbawa. Ang dating estado ng kanilang buhay, mga suliranin, mga karanasan na nagdulot ng maganda, mga payo na maaaring pulutan ng aral.B. KonklusyonNatutunan namin sa aming pananaliksik na ang tagumpay ay makakamit ng isang tao sa pamamagitan ng pagiging matiyaga, masipag, mapagpursigi, may katatagan ng loob at may dedikasyon at pagmamahal sa ginagawa. Sumasang-ayon kami sa aming thesis statement sapagkat wala namang kinalaman ang kasarian sa ikatatagumpay ng isang negosyo. Tayo mismo ang gumagawa ng ating kapalaran kung nais ba nating magtagumpay. Hindi ibig sabihin na kung bading ka ay wala ka nang silbi sa lipunan. Hindi dapat sila ituring na salot, at maliitin sapagkat hindi lahat ng bading ay tamad at malandi, mayroon ding masisipag at gusting tumulong sa kanilang pamilya. Nagtatagumpay ang tao kung may paniniwala sa Diyos at tiwala sa sarili.C. RekomendasyonIminumungkahi namin na bigyang pansin ang mga kalakasan at karangalang taglay n gating mga pangunahing paksa sa halip na ibaba sila. Patuloy nating tangkilikin ang kanilang mga negosyo. Hayaan natin silang mamuhay ng normal at huwag kalimutang tao din sila na may puso at damdamin.

Inilathala nila:
Gilyn Balbido
Ana Marie Alino
Alycca Mariel Ong
Jean Chaila Cstillo
Kenneth Rodulfo
Posted by 1epm at 8:38 PM 0 comments
Subscribe to: Posts (Atom)
Followers

var skin = <>;
skin[‘FACE_SIZE’] = ’32’;
skin[‘HEIGHT’] = “260”;
skin[‘BORDER_COLOR’] = “333333”;
skin[‘ENDCAP_BG_COLOR’] = “transparent”;
skin[‘ENDCAP_TEXT_COLOR’] = “999999”;
skin[‘ENDCAP_LINK_COLOR’] = “99aadd”;
skin[‘ALTERNATE_BG_COLOR’] = “transparent”;
skin[‘CONTENT_BG_COLOR’] = “transparent”;
skin[‘CONTENT_LINK_COLOR’] = “99aadd”;
skin[‘CONTENT_TEXT_COLOR’] = “999999”;
skin[‘CONTENT_SECONDARY_LINK_COLOR’] = “99aadd”;
skin[‘CONTENT_SECONDARY_TEXT_COLOR’] = “777777”;
skin[‘CONTENT_HEADLINE_COLOR’] = “aadd99”;
google.friendconnect.container.setParentUrl(“/” /* location of rpc_relay.html and canvas.html */);
google.friendconnect.container.renderMembersGadget(
< id: "div-1236915679224",
site: “08302125004496797047” >,
skin);

Followers

Blog Archive

Share this:
custom writing low cost
Order custom writing

ads