Home » Thesis » Liham pasasalamat sa thesis writing

Liham pasasalamat sa thesis writing

Liham pasasalamat sa thesis writing mananaliksik mula

³EPEKTO NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYANG GINAGAMIT SA MGA PASYENTENG MAY MALALANG SAKIT´ ISANG PANANALIKSIK NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KALAHATANG EDUKASYON NG IKALAWANG SEMESTRE. TAONG-AKADEMIKO 2010-2011. Isang Pamanahong Papel na iniharap sa mga Dalubguro ng Departamento ng Filipino Our Lady of Fatima University Lungsod ng Valenzuela Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan Ng Asignaturang Filipino 2 Ng BSN1y2-7 ± Filipino Marso, 2011 DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignatuang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat sa Iba¶t Ibang Disiplina Tungo sa Pnanaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang ³Epekto ng mga Makabagong Teknolohiyang Ginagamit sa mga Pasyenteng may Malalang Sakit´ ay inihanda at iniharap ng pangkat 3 ng mga mananaliksik mula sa BSN1y2-7 na binuo nina: Janri Franchesca S. Bonilla Ma. Kimberly Joy D. Demition Princess Jane O. Paguio Justine Pearl E. Aznar Lovely Ceshaine Anne Manlusoc Tinatanggap ang Pamanahong-Papel na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino, Our Lady of Fatima University sa Lungsod ng Valenzuela, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat sa Iba¶t Ibang Disiplina Tungo sa Pananaliksik, Gng. Jacqueline B. Bolante Dalubguro ± Filipino Lurceli L. Santos, RN, MAN Dean ± College of Nursing PAGHAHANDOG Lubos ang pasasalamat ng pangatlong grupo, sa mga inspirasyon at mga nagging bahagi ng riserts na ito. Una sa lahat nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa amin. Sa kanyang pag-iingat at paggabay sa aming mga Gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang nangunguna na nagging dahilan ng aming pananatili sa mundong kanyang nilikha.

Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang moral maging pinansyal, upang kami ay makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aming pag-aaral. At higit sa lahat, sa aming pinakamamahal, kagalang-galang at mabait naming propesor, Gng. Jacqueline Bañaga Bolante na walang sawang gumabay sa aming pag-aaral sa asignaturang Filipino 2. Gayundin sa bawat kasapi ng aming pangkat na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang pananaliksik na ito ay maisakatuparan. Maraming Salamat Po! PASASALAMAT / PAGLALAAN Ang mga mananaliksik sa paksang ³EPEKTO NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYANG GINAGAMIT SA MGA PASYENTENG MAY MALALANG SAKIT´ ay taos-pusong ipinaaabot ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod: y y y y y y Bb. Aurora C. Cruz ± ang librarian ng Barangay Catmon, ng Lungsod ng Malabon na nagbigay sa amin ng mahahalagang impormasyon ukol sa pananaliksik at sa walang sawang pagtulong upang mapabilis at maayos ang aming mga impormasyon na sinasaliksik, Sa silid-aklatan ng Barangay Catmon, Lungsod ng Malabon na pinagkunan namin ng maraming datos para sa aming paksa, Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan namin ng mahahalagang impormasyong aming ginamit sa pagsulat sa una at ikalawang kabanata ng pamanahunag-papel, Sa aming mga propesyunal na respondent, sa paglalaan ng panahon upang matapos na masagutan ang aming inihandang mga katanungan/kwestyuneyr, At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalung-lalo na sa mga sandaling kami¶y pinanghihinaan na ng pag-asang matatapos namin nang maayaos sa itinakdang panahon, Sa aming kanya-kanyang pamilya, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa aming pag-uwi sa oras na hindi na namin kinagawian matapos lamang ang pamanahong-papel na ito.

Muli, maraming salamat po! Mga Mananaliksik TALAAN NG NILALAMAN KABANATA I, Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral Panimula 1 Paglalahad ng Suliranin 2 Kahalagahan ng Pnanaliksik 2 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 3 Paradigma ng Pag-aaral 3 Paglalahad ng Haypotesis 4 Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino 4 KABANATA II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Lokal na Literatura 5 Dayuhang Literatua 5 KABANATA III, Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik Paraan ng Pananaliksik 7 Mga Pokus ng Pag-aaral 7 Mga Instrumentong Pampananaliksik 7 Tritment ng mga Datos 8 KABANATA IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Talahanayan Blg. 1-50 KABANATA V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon Lagom Kongklusyon Rekomendasyon Listahan ng mga Sanggunian a. Aklat b. Journals c. Internet Apendiks a. Liham ng Paghingi ng Pahintulot b. Transkripsyon ng Intervyu c. Sarvey-Kwestyoneyr d.Liham-Paanyaya sa mga panelist KABANATA I Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral Panimula Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Maraming karamdaman ang umiiral sa ating bansa, karaniwa¶y aspetong pisikal ang apektado o di kaya nama¶y ang mga organ sa loob ng ating katawan. Nalalaman natin ang mga pinagmumulan nito, ang maaring lunas sa mga ito at kung paano ang tamang pangangalaga sa taong maysakit. Lingid sa ating kaalaman na napakalaki na ng naitulong ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng panggagamot. Sa paglipas ng panahon kapansin-pansin ang napakaraming pagbabago, lalo na sa larangan ng medisina. Makikita natin sa panahon ngayon ang mabilis na pagbabago ng mga teknolohiya na ginagamit sa panggagamot, mapapribado man o pampublikong ospital. Dahil sa pagbabagong ito umunlad, gumaling, at bumuti ang kalagayan ng maraming pasyente. Marami na ring naisalbang buhay sa tulong ng mga ³high-tech´ na kagamitan sa panggagamot. Ngunit ang paggamit ng mga makabagong teknolohiyang ito para sa mga pasyente ay may katapat na malaking halaga. Oo nga¶t masasabi nating mabisang paraan ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ngunit hindi lahat ay may sapat na kakayahang pampinansyal para matugunan ang tulad ng ganitong pangangailangan. Bagamat may kaakibat na napakalaking halaga, marami pa rin kung tutuusin ang mas gugustohing gumastos ng malaking halaga makasiguro lang na mapapabilis ang paggaling at makasisigurong gagaling ang kanilang mahal sa buhay, kaysa naman sa pagdepende sa iba pang alternatibong payo ng doctor na mas kakayanin nga naman bulsa ng pamilya, ngunit mapapatagal naman ang paghihirap nito na wala pang kasiguruhan kung tuluy-tuloy nang gagaling ang nasabing pasyente. Ngunit ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ay marami ring epekto sa mga pasyente, karamihan ay puro positibo dahil sa umunlad, gumaling, at bumuti ang kalagayan ng maraming pasyente, ngunit mayroon ding mga negatibong epekto ito. At ito ang tutuklasin naming mga mananaliksik sa pagbuo ng pamanahunang papel na ito. Paglalahad ng Suliranin 1. Ilang porsyento ng mga pasyente ang pabor na mas epektibong gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng panggagamot. 2. Gaano kaepektibo ang mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit? 3. Alin ang mas epektibong panggamot sa mga pasyenteng may malalang sakit? Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya o ang paggamit ng iba pang alternatibo? 4. Ano ang dahilan ng pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng medisina? 5. Ilang porsyento ng mga pasyente ang mas pabor na magpagaling gamit ang mga makabagong teknolohiya? Ang alternatibong paraan ng panggagamot? Kahalagahan ng Pananaliksik Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito. Makatutulong ito sa iba pang mag-aaral at mananaliksik na palawagin pa ang kaalaman ukol sa nasabing paksa. Layunin din ng pagsasaliksik at pag-aaral ukol sa paksang tatalakayin na maibahagi ng mga mananaliksik ang kaalaman na bunga ng mausisang pananaliksik at pag-aaral ukol sa epekto ng makabagong teknolohiya sa larangan ng panggagamot. Nakatutulong din ito sa pag-aaral ng isang mag-aaral na nais makapagtapos ng isang kurso ukol sa pag-aaral sa mga sakit gaya ng medisina. Maaari itong maging gabay sa pagtahak ng ibang mananaliksik tungo sa pag-aaral nila ng mga paksang may kaugnay dito. Natatalakay ditto ang mga positibo at negatibong epekto ng mga makabagong kagamitan sa panggagamot ng mga sakit. Ang pag-aaral o pananaliksik ukol sa paksang ito ay nagtataglay ng malaking kahalgahan at impormasyon sa larangan ng pangagamot. Naglalayon ito na matukoy ang mga epekto ng mga makabagong teknolohiya sa sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit. Nagbibigay din ng impormasyon sa mga mag-aaral na nagnanais kumuha ng kursong may kinalaman sa larangan ng medisina. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw ng ilang mga indibidwal na siyang aming tagatugon ng aming sarvey kwestyoneyr. Mayroon kaming dalawampu¶t limang (25) batikang doctor, dalawampu¶t limang (25) nars, mula sa Philippine General Hospital, sa kabuuang bilang ng limampung (50) respondente. Paradigma ng Pag-aaral Sa pananaliksik na ito, ipinapakita ng figura 1 ang epekto ng mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit. Makabagong Teknolohiyang ginagamit sa panggagamot Ospital Doktor/Nars Mga Pasyente Malaki ang naitutulong sa mga pasyente Napapabilis ang paggaling ng mga ito Malaking benepisyo para sa kanila May malaking ambag sa pag-unlad ng bansa Paradigma ± Figura 1 Paglalahad ng Haypotesis Ang pag-aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubhang napakahalaga upang maunawaan at mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa mga epekto ng mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa panggagamot ng mga pasyente lalo na sa may malalang sakit. Bukod dito ay upang mapag-alaman natin ang mga negatibo at positibong dulot ng makabagong teknolohiyang ginagamit sa mga pasyente, at upang maipakita ang malaking pakinabang ng teknolohiya sa larangan ng medisina at ang malaking pagkakaiba ng panggagamot na may tulong ng mga makabagong teknolohiya sa iba pang alternatibong hindi ginagamitan ng makabagong teknolohiya. Sa pag-aaral na ito mas mapapalawak ang kaalaman ng mga mananaliksik at mas lalaki pa ang pang-unawa sa larangan ng teknolohiyang ginagamit sa panggagamot. Depinisyon/ Kahulugan ng mga Termino y y ³High Tech´ ± mga makabagong kagamitan. Teknolohiya – Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mgakasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Pamanahong papel ± isang pagsulat na awtput ng isang semestreng pagaaral at pannanaliksik ng isa o pangkat ng mga mag-aaral upang manaliksik. Ito ay tinatawag sa ingles na term paper. Aspetong pisikal – panlabas na kaanyuan. Organ- parte/bahagi ng katawan ng tao. Mananaliksik ± ang mga mag-aaral na nagsasagawa ng pananaliksik bilang isang pangangailangang pang-akademiko. Medisina – Ang panggagamot o medisina ay sangay ng agham pangkalusugan na tungkol sa panunumbalik at pagpapatuloy ng kalusugan at kagalingan. Sa isang malawak na kahulugan, ito angagham sa pagiwas at paggamot sa mga sakit. Gayon man, kadalasang tumutukoy ito sa mga gawain ng mga manggagamot at siruhano. Alternatibo ± Ang alinman sa mga posibilidad. y y y y y y KABANATA II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Lokal Marami na ang magazines at pahayagan na naisulat sa pananaliksik, ngunit karamihan sa mga iyon ay upang makapagbigay kaalaman sa mga tao at maging sanggunian ng pananaliksik. Kadalasan, tinatalakay ang pananaliksik upang makapagbigay ng maaaring epekto at mas epektibong mga lunas sa isa o higit pang sakit, o sa madaling salita ay upang makapagbigay ng mga impormasyon sa tao. Mangilan-ngilan lamang ang mga akda at literatura na may sariling opinion ng mga taong may kaugnayan sa pananaliksik. Ayon kay Christine F. Liwanag, isang senior vice president ng strategic marketing at corporate affairs sa St. Luke¶s Medical Center sa Maynila, na ang mga Pilipino ay sadyang mapili pagdating sa kalidad, oras at kaginhawaan na matatamasa sa isang ospital. Sila¶y naghahanap din ng kalidad na pag-aalagang pang-kalusugan sa tulong ng mga taong may mataas na kaalaman at kakayahang pangmedikal, umaasa din sila sa maganda at abot-kayang serbisyo, mga pasilidad at magandang lokasyon ng isang ospital. Sabi ni Dra. Diana O. Cua, Balcellf, M.D. isang breast surgeon, ³Ang maagang pagkakatuklas sa isang sakit ay maaaring makasalba sa buhay ng may sakit at ng buong pamilya´. Ang pag-aaral, Kahit sa pamamagitan ng libro, pampleta o videos tungkol sa maagang pagkatuklas ng mga sakit at mga pagpipilian ng mga lunas na pwede sa mga pasyente, ay ang pinakapunto ng kanyang adbokasiya. Dayuhan Ayon kay Dr. Alvin Y.S. Chan, Co-Chairman ng Hong Kong¶s Health Education Committee. Ang pagpapakonsulta ay sobrang mahalaga. At kung mayroon kang karamdaman, kailangana magpatingin ka tuwing ika-anim na buwan, halimbawa ± iyong mga pasyenteng may sakit sa puso at mga diabetic o iyong mga posibleng magkaroon ng iba pang sakit. Kung hindi naman, ay maaari na ring isang beses sa isang taon lamang magpakonsulta. Napag-alaman naman ni Dr. Netsere Tesfayohannes, director ng Interventional Pain Management Center sa George Town University Hospital sa Washington, DC. Na sa paggamit instrument, ang proseso ay tatagal ng wala pang isang oras at ang pasyente ay maaari ng umuwi, ng may nakatakip na maliit na benda sa pinagpasukan ng karayom. At pinakamaganda sa lahat, ay may dalawang katlo ng mga piling pasyente ang nakaranas ng positibong resulta. ³Ang paggaling ay biglaan´,´Alam mo kaagad kung ang ginawang paglunas ay epektibo.´ Para kay Dr. Yip Cheng-Har, Concultant breast surgeon sa University Malaya Medical Center sa Kuala Lumpur. ³Habang ang mga bago at epektibong panlunas sa mga may sakit ay mas pinahuhusay at nagiging mas mura, ang bilang ng mga nangamamatay ay dapat bumaba at ang pamumuhay ay dapat magbago.´ KABANATA III Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik Paraan ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa pamanahong papel ang deskriptiv- analitik na pananaliksik gamit ang mga aklat na ay kaugnayan sa paksa ng pag-aaral at ang mga ideya galing sa mga resspondente. Tinangkang ilarawan ang mga pananaw ng mga respondete tungkol sa epekto ng mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa mga pasyenteng may malalang sakit sa pagaaral na ito. Mga Pokus ng Pag-aaral Inilaan ang pag-aaral na ito sa kursong narsing sa larangan ng mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit. Ang mga piling respondente ay mula sa Philippine General Hospital, Manila. May dalawampu¶t limang(25) batikang doctor at dalawampu¶t limang(25) nars, sa kabuuang bilang ng limampung(50) respondente. Pinili ng mga mananaliksik ang mga nasa Philippine General Hospital sapagkat sila ang may lubos na kaalaman sa aming sinasaliksik na makapagbibigay ng ilang mga kasagutan sa aming mga katanungan. Mga Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Naghanda ang mga mananaliksik ng labin-dalawang katanungan upang mangalap ng mga ideya at opinion ukol sa paksa ng pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang kahandaan at damdamin ng mga respondent sa pananaliksik at ang korelasyon sa ilang mga piling personal pangkaligirang varyabol. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga internet, aklatan katulad ng mga aklat, tesis, pamanahunang papel. Tritment ng mga Datos Ang pag-aaral na ito ay isang pangangailangan upang makapasa ang mga mananalisik basi narin sa hinihingi ng guro sa Filipino 2, at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tesis kaya¶t walang ginawang pagtatangka upang suriin ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Lahat nang datos ay galing sa mga aklatan, sa internet at sa mga respondente. Dito lamang ibinasi ng mga mananaliksik ang kanilang mga ideya at kaisipan na inilahad sa pag-aaral na ito. Samakatwd, pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangan gawin. Sapagkat limampu (50) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas ng kalahating porsyento na kapag dinoble ay katumbas ng isandaang porsyento. APENDIKS A FORMULARYO SA PAGPAPATIBAY SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG-INTERBYU OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY 120 McArthur Highway, Valenzuela City TEL: 432-6026 / 293-2703 to 06 Marso. 2011 Hospital Administrator Philippine General Hospital Manila Re: Sa mga Kinauukulan: Kami ay ang mga estudyante mula sa Our Lady of Fatima University Valenzuela, na humihingi ng pahintulot na maka-pagsagawa ng isang sarbey upang suportahan ang aming pag-aaral patungkol sa Epekto ng mga Makabagong Teknolohiyang Ginagamit sa mga Pasyenteng may Malalang Sakit. Kami ay magsasa-gawa ng sarbey sa mga Doktor at Nars ng Philippine General Hospital sa (Marso. 2011). Ang inyong maagap na pag-apruba ay isang malaking kontribusyon sa pagpapaganda at pagpapatibay ng aming ginagawang pananaliksik. Maraming salamat at patnubayan po kayo ng Poong Maykapal. Lubos na gumagalang, Janri Franchesca S. Bonilla Maria Kimberly Joy B. Demition Lovely Ceshaine Anne S. Manlusoc Princess Jane O. Paguio Justine Pearl E. Aznar Aprubado nina: Gng. Jacqueline B. Bolante Propesor ± Filipino II Hospital Aministrator Sarvey-kwestyoneyr hinggil sa ³Epekto ng mga Makabagong Teknolohiyang Ginagamit sa mga Pasyenteng May Malalang Sakit.´ Pangalan: __________________________________________ Lagda: ________________________ Propesyon: ________________________________________________________________________ Kasarian: ___________________________________________ Edad: ________________________ 5. Panuto: Bilugan ang titik ng sagot na iyong pipiliin. Pumili lamang ng isa. Anong sakit ang ginagamitan ng pinakamaraming aparato o kagamitan sa panggagamot? Pumili ng halimbawa. a. Cancer. b. Karamdaman sa puso. c. Karamdaman sa utak. d. Karamdaman sa buto 1. 2. 3. 4. Gaano kaepektibo ang mga makabagong teknolohiya sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit? a. Napakaepektibo. b. Hindi masayadong epektibo. c. Hindi epektibo. Alin ang mas epektibong panggamot sa mga pasyenteng may malalang sakit? a. Paggamit ng makabagong teknolohiya. b. Paggamit ng iba pang alternatibo Ano ang maaaring dahilan ng pagusbong ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng medisina? a. Paglaganap ng napakaraming sakit sa bansa. b. Kompetensya sa ibang bansa. c. Para sa mabilis na pag-unlad at paggaling ng mga pasyente. Alin ang mas gugustuhin mo kung sakaling isa kang pasyente? a. Magpagaling gamit ang makabagong teknolohiya. b. Magpagaling gamit ang alternatibong paraan ng panggagamot. OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY 120 McArthur Highway, Valenzuela City TEL: 432-6026 / 293-2703 to 06 Marso. 2011 Hospital Administrator Philippine General Hospital Manila Re: Sa mga Kinauukulan: Kami ay ang mga estudyante mula sa Our Lady of Fatima University Valenzuela, na humihingi ng pahintulot na maka-pagsagawa ng isang sarbey upang suportahan ang aming pag-aaral patungkol sa Epekto ng mga Makabagong Teknolohiyang Ginagamit sa mga Pasyenteng may Malalang Sakit. Kami ay magsasa-gawa ng sarbey sa mga Doktor at Nars ng Philippine General Hospital sa (Marso. 2011). Ang inyong maagap na pag-apruba ay isang malaking kontribusyon sa pagpapaganda at pagpapatibay ng aming ginagawang pananaliksik. Maraming salamat at patnubayan po kayo ng Poong Maykapal. Lubos na gumagalang, Janri Franchesca S. Bonilla Maria Kimberly Joy B. Demition Lovely Ceshaine Anne S. Manlusoc Princess Jane O. Paguio Justine Pearl E. Aznar Aprubado nina: Gng. Jacqueline B. Bolante Propesor ± Filipino II Hospital Aministrator 2´x2´ Name: JANRI FRANCHESCA S. BONILLA Address: # 115 E. Rodriguez St. Cor. M. Santos St. Santulan, Malabon City E-mail add/Contact No. janribonilla@yahoo.com/09276181168 Educational Attainment: Tertiary: Our Lady of Fatima Valenzuela Secondary: San Diego Parochial School Primary: Tinajeros Elementary School Skills & Interests: Skills: Good communication skills, mathematical skills and analysis, reading comprehension and writing skills. Computer-literate with proficiency in Office Applications like Microsoft Word, Open Office, Microsoft Excel and Microsoft PowerPoint. Has experience in using Photoshop; knows how to speak English, Spanish and Korean. But my most importantly skill is if it can be learned, then I will learn it. Interests: I love badminton, baseball, chess, camping, surfing the internet, drawing, writing, reading various magazines, dictionaries and books, and watching Korean dramas and foreign movies. I spend my extra time in reading, and learning Korean languages, cultures and traditions. Personal Information: Age: 17 Birthday: July 27, 1993 Birthplace: Naga City Height: 5´1 Weight: 88 lbs. Civil Status: Single Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic Mother: Janet S. Bonilla Father: Ceferino T. Bonilla Personal Reference: Mr. & Mrs. Bonilla (Parents) – I hereby attest that the above information is true and correct. For any questions please contact the above references. ___________________ SIGNATURE 2´x2´ Name: JUSTINE PEARL E. AZNAR Address: # 34 Road 7, Pag-asa, Quezon City E-mail add/Contact No. mallows.quh_o1@yahoo.com/09276633873 Educational Attainment: Tertiary: Our Lady of Fatima University, Valenzuela Secondary: Sto. Niño Parochial School Primary: Sto. Niño Parochial School Skills & Interests: Skills: Interests: Personal Information: Age: 16 Birthday: July 6, 1994 Birthplace: Caloocan City Height: 5¶4 Weight: 110 lbs. Civil Status: single Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic Mother: Jennifer E. Aznar Father: Percival E. Aznar Personal Reference: Mr. & Mrs. Aznar (Parents) – I hereby attest that the above information is true and correct. For any questions please contact the above references. ___________________ SIGNATURE 2´x2´ Name: PRINCESS JANE O. PAGUIO Address: #395 Sitio 5, Brgy. Dulong Ilog, Candaba, Pampanga City E-mail add/Contact No. jamesmatthewpaguio@yahoo.com/09057160254 Educational Attainment: Tertiary: Our Lady of Fatima University, Valenzuela Secondary: Bahay Pane High School Primary: Dulong Ilog Elementary School Skills & Interests: Skills: Interests: Personal Information: Age: 17 Birthday: September 17, 1993 Birthplace: Dulong Ilog Height: 5 1 1/2 Weight: 99 lbs. Civil Status: Single Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic Mother: Cristy O. Paguio Father: Mario M. Paguio Personal Reference: Mr. & Mrs. Paguio (Parents) – I hereby attest that the above information is true and correct. For any questions please contact the above references. ___________________ SIGNATURE 2´x2´ Name: LOVELY CESHAINE ANNE S. MANLUSOC Address: #167 Rizal San Pablo, Candaba, Pampanga City E-mail add/Contact No. Manlusoc_shaine@yahoo.com/09359814260 Educational Attainment: Tertiary: Our Lady of Fatima University, Valenzuela Secondary: Bahay Pane High School Primary: Bahay Pane Elementary School Skills & Interests: Skills: Interests: Personal Information: Age: 16 Birthday: August 9, 1994 Birthplace: Candaba, Pampanga City Height: 5´1 Weight: 83.6 lbs. Civil Status: Single Citizenship: Filipino Religion: Christian Mother: Almira S. Manlusoc Father: Cecilio E. Manlusoc Personal Reference: Mr. & Mrs. Manlusoc (Parents) – I hereby attest that the above information is true and correct. For any questions please contact the above references. ___________________ SIGNATURE 2´x2´ Name: MARIA KIMBERLY JOY B. DEMITION Address: #3 A. Pablo ST. Caruhatan, Valenzuela City E-mail add/Contact No. Khim.1209@yahoo.com/09069236592 Educational Attainment: Tertiary: Our Lady of Fatima University, Valenzuela Secondary: St. Joseph Academy of Valenzuela Primary: St. Joseph Academy of Valenzuela Skills & Interests: Skills: Interests: Personal Information: Age: 17 Birthday: December 9, 1993 Birthplace: Manila Height: 5´1 1/2 Weight: 92.4 lbs Civil Status: Single Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic Mother: Marivic B. Demition Father: Crisostomo E. Demition Personal Reference: Mr. & Mrs. Demition (Parents) – I hereby attest that the above information is true and correct. For any questions please contact the above references. ___________________ SIGNATURE

Mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral
sa paggamit ng salitang panlansangan
ng dalawampu’t limang kabataang
naninirahan sa mababang antas
ng lipunan 2008 2009

Isang pananaliksik na isinumite kay:
Bb. Leah M. Ballesteros

Lyceum of Alabang
88 GNT Bldg. National Rd. Putatan, Muntinlupa City

Isang kahingian para sa Asignaturang Filipino
nina:

Kazuhiro Bautista
Anna Lea Elava
Chelyn Lim

Lyceum of Alabang
88 GNT Bldg. National Rd. Putaatan, Muntinlupa City

Isang kahingian para sa Asignaturang Filipino, Ang Pananaliksik na ito, &”Mga suliraning kinakaharap ng mga Mag-aaral sa paggamit ng salitang panglansangan ng dalawampu’t limang kabataang naninirahan sa mababang Antas ng Lipunan 2008 2009&” na inihanda at isinumite nina Kazuhiro Bautista, Anna Lea Elava, Chelyn Lim.

Marso 13, 2009 Bb. Leah M. Ballesteros
Petsa Gurong tagapagpatibay sa
Pananaliksik

Inihahandog ko ang pananaliksik na ito sa mga kabataang nakakaranas ng suliranin sa pag-aanalisa ng nararapat na gamiting salita. Salitang angkop na gamitin sa pakikikipagtalastasan
sa kapwa tao.

Batid kong sa panahon ngayon ay nagagamit na ang salitang kalye sa pag-aaral kung kaya’t hindi wasto ang kinakalabasan ng isang sulatin. Ang pananaliksik na ito ay para sa mga kabataang hirap makawala sa nakasanayang salita na hindi nauunawaan ang epekto ng madalas ng paggamit ng salitang pangkalye.

Ito ay pra sa kabataan upang lumawak ang pang-unawa at maging bukas ang iisipan sa maaring ibunga nito sa susunod na henerasyon.

Inihahandog ko ang pananaliksok na ito sa mga kapwa estudyante at lalong lalo na sa mga kabataang nasa mababang antas ng lipunan. Mga kabataang ndadala sa alon ng mga masasamang gawi ng buhay.

Kabataang madaling maimpluwensiyahan ng mga bagay bagay na naririnig ng hindi inaalam kung ito ay tama o mali. Mga kabataang nararapat bigyang pansin upang masupil ang baluktot na paggamit ng salitang ito.

Ito ay para sa kabataang nasa lipunan na lugmok na sa masamang gawi sa gayon ay mabigyan sila ng aral na maging mapang-unawa at nang maiwaksi ang mga salitang panlansangan.

Ang pananaliksik na ito ay para sa lahat ng kabataan sa henerasyon ngayon at maging sa mga taong naninirahan sa iba’t ibang antas ng lipunan. Ayon sa aming ginawang pananaliksik, ang gawaing ito ay nararapat mabasa at mapagukulan ng pansin ng mga mag-aaral na malimit na gumagamit ng salitang panlansangan.

Hindi maiiwasan na ang mga mag-aaral ay susunod kung ano ang uso. Kung kayat isinagawa naming ang pananaliksik na ito upang maibahagi ang natatanging kaalaman upang ang mga kabataang ito ay makapag-isip kung kanila ba ay ipagpapatuloy ang gawaing mali.

Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang para sa kanila kundi ay para sa amin ding mananaliksik na lubos na naunawaan ang ugat at ibubunga ng mga gawaing ito. Kailangan lamang ipabatid ang mensaheng ito upang kanilang mapagtantong may panahon pa upang mgbago.

Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong tumulong at nagbigay ng kanilang panahon, oras at kaalaman upang maging maayos at epektibo ang aming pananaliksik.

Sa dalawampu’t limang kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan ng Alabang, Muntinlupa City na silang tumugon sa aming panayam at palaisipan. Kung wala ang kanilang kooperasyon at kahandaang sagutin ang aming katanungan ay maaring hindi mabuo ang pananaliksik na ito. Maraming salamat po sa inyong hindi matwarang kabaitan sa pagtugon sa aming mga katanungan.

Kay Bb. Leah M. Ballesteros na siyang gumabay at nagpalawig n gaming pananaliksik, maraming salamat po. Kung hindi sa inyo ay isang walang kalidad na pananaliksik an gaming magagawa. Sa inyo, lubos po ang aming pasasalamat.

Higit sa lahat ay maraming maraming salamat sa Poong Maykapal na pumatnubay sa bawat hakbang na aming isinagawa, mula sa paglagananp ng mga datos hanggang sa ito ay matapos. Sa iyong gabay, lubos po ang aming pasasalamat. Muli ay nais naming iparating ang taos pusong pasasalamat sa mga taong tumulong at gurong nagbigay sa amin ng lakas ng loob at sapat na kaalaman upang maisagawa ito. Ang pasasalamat na ito ay ibinabalik naming sa inyo.
K.B
A.L.E
C.P.L
Panimula

Ang balbal o islang ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang panlansangan. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa inpormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsama-sama o pinagdugtong na salita na maaring maging mahaba o maikli lamang.

Erpat at ermat salitang malimit nating marinig sa tsismisan, sa tahanan at maging sa mga kabataan. Salitang panlansangan na usung uso ngayon sa mga kabataan, kasama-sama ito sa araw-arawna pamumuhay─ sa hapagkainan, sa kuwentuhan at maging sa pakikipagtalo sa lansangan. Salitang panlansangan na kaaya-aya ang tunog sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan at makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman.

Salitang syota, utol at tropapitz na kaysarap daw pakinggan sa tenga kung kayat pagmulat pa lamang ng mga mata ay ang salitang ito ang agad na namumutawi sa mga labi. Naaliw nga ang mga kabataang ito sa salitang panlansangan ng hindi nalalaman ang epekto nito sa kanilang pag-aaral at pamumuhay. Kapag madalas mong ginagamit ang mga salitang ito, asahan mong maging sa iyong pag-aaral ay nakasabit ito sa iyong likuran parang bag.

Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasinng madalas ang mga salitang ito. Kalunus-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan ng sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

Isa sa mga layunin ng pananaliksik na ito ay mkapagbigay kaalaman. Ang mga kabataan kung hindi gagabayan ay tumatahak ng maling landas. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang ang kaalaman na nalalaman ay maibahagi sa mga kabataang may kahirapang ipagkumpara ang salitang panglansangan at salitang angkop sa pag-aaral.

Panglawa, ang pananaliksik na ito ay para mapalawak ang bawat pag-iisip ng mga kabataan. Sa panahon ngayon ay kumikitid na ang mga isipan ng mga kabataan. Ang pananaliksik na ito ay mapapalawig ang isipan nila upang mas lalong maintindihan ang nais iparating ng pananaliksik na ito.

Pangatlo, ang layunin nito ay maipabatid sa mga kabataan na nasa mababang antas ng lipunan ang epekto at bunga ng malimit na paggamit ng salitang panglansangan. Iisa-isahin ang suliraning kinakaharapsa pagkasanay na gamitin ang mga salitang ito. Ipapaintindi sa mga kabataan na walang magandang maidudulot ang pagyakap nila sa mga salitang nakakaapekto ng malaki sa kanilang pamumuhay at lalong lalo na sa kanilang pag-aaral.

Materyales at Metodo

Maisasagawa lamang ang pananaliksik na ito kung hindi nagbigay ng panahon ang mga kabataan sa amin na mahingan ng impormasyon. Gumawa kami ng sampu hanggang labing limang katanungan kung saan ang mga tanong ay umiikot lamang sa mga suliraning kinakaharap nila sa madalas na pagsambit ng salitang panlansangan. Maari nilang sagutin sa loob ng limang minuto sapagkat ang mga tanong ay sasagutin lamang ng oo, hindi at depende. Naniniwala kami na sa istratehiyang ito ay matutukoy naming ang mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan sa paggamit ng salitang panlansangan. Sa ganitong paraan ay malaya silang maibahagi sa amin ang kanilang mga iniisip at maging mga hinaing.

Nangalap rin kamin ng mga datos sa piling guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan upang mahingan ng reaksyon sa lumalalang problema ng mga mag-aaral sa henerasyon na ito. Ang ganitong paraan ay isinagawa upang maging bukas ang pag-iisip ng nakararami na maraming suliranin ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon.

Isa na rin sa materyales ay ang pagkuha namin ng ilang datos sa pamamagitan ng &”Internet&”. Narito ang iba’t ibang komento at kritiko ng mga tao hingil sa aming paksa. Hindi nagkulang ang aming ginagamit na materyales at istratehiya upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

kilalanin ang suliranin

Ang pangunahing suliranin ang kinakaharap ng mga mag-aaral ay ang pagkasanay nitong gamitin ang salitang panlansangan na napupulot nila sa lipunang kinalakihan. Ang mga salitang ito ay ginagamit rin nila sa pag-aaral na nagbubunga ng di-wastong paggamit ng salita. Halimbawa na lamang na lamang ang pagsulat ng isang komposisyon, ang mga mag-aaral na malimit ginagamit nitong salita ay siguradong ang kalalabasan ng isang komposisyon ay may mga salitang tulad ng erpat, ermat, utol at iba pa. pinanghahalili nila ang mga ganitong salita kaysa sa tamang paggamit ng ina at ama na salita.

Isa pang suliranin ay ang paggamit ng salitang ito sa pakikipagtalastasan at pakikikapwa tao. Kung ang mag-aaral ay gumagamit mg salitang panlansanganay makikipag-usap sa isang mataas na opisyal ng paaralan ay siguradong ay hindi sila magkakaintindihan sapagkat ang mga salitang ginamit ay kapwa di- pamilyar sa bawat isa.

Nariyan rin ang madalasang pagtatalo sa iba’t ibang baranggay. Ang mga salitang panlansangan ay ginagamit nila sa pakikipag-away at maging sa pakikipagasaran sa kapwa kamag-aral. Halimbawa na lamang ang linyang ito, &”Hay naku totoy nageskapo ka na naman sa haybol niyo ng hindi pa naggogoli mukha ka tuloy tsimay, gobas ka talaga&” ang linyang ito kapag narinig ay tataas ang dugo at magkakaroon ng salpukan sa pagitan ng nang-aasar at inasar. Nagpapatunay lamang ang halimbawang ito na maaring sa salitang panlansangan ay makakagawa ka ng mga salitang magdudulot ng di kaaya-ayang reaksyon sa kapwa mo na matutuloy sa maduguang pakikipagtalo. Ang mga salitang malimit marinig sa mag-aarala gasmati, goli, tsekot, buwaya, tsimay, praning, ka-kosa, sikyo, gobas, shode lulu at scout royale.

Sa mabilis na pagyabong ng teknolohiya ay ganoon din kabilis ang pagyabong ng iba’t ibang katawagan sa mga pinagbabawal na gamut. Ang chongkie, 5 fingers, weeds, shabu-shabu ay ilang katawagan pa lamang sa marijuana at shabu. Ang mga salitang ito ang ginagamit sa pag-aangkat ng mga pinagbabawal na gamot.

Ang paulit-ulit na suliranin ng mga mag-aaral na ito at lagging kumukuliglig sa kanilang mga tenga ay ang palaging pagpuna at pagsita ng mga guro sa mga salitang namumutawi sa kanilang mga labi. Maging ang mga gurong ito ay nakakaranas din ng mga suliranin kung paano lalapatan ng solusyon ang ganitong suliranin ng kanyang mga estudyante.

Mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral
sa paggamit ng salitang panlansangan
ng dalawampu’t limang kabataang
naninirahan sa mababang antas
ng lipunan 2008 2009

Balangkas na di- nakapag-iisa
&”paggamit ng salitang panlansangan ng dalawampu’t limang kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan 2008-2009&”
v May mga taong hindi nakaka-intindi ng salitang ginagamit.
v Maling pagsulat ng isang komposisyon
v Malabong pakikipagkomunikasyon.
v Nagiging sanhi ng madalasang pag-aaway.
v Nakakagawa ng masama sa kapwa.
v Ginagamit ang salitang panlansangan sa pag-angkat ng pinagbabawal ng gamot.
v Palaging napupuna ng guro sa kanilang pamamaraan ng pagsasalita.
v
Balangkas na nakapag-iisa
&”mga sulurinan kinakaharap ng mag-aaral&”

v Pinanghahalili sa mga wastong salita
v Kahirapan sa pakikipagtalastasan
v Impluwensiya ng maling lipunan.
v Pagiging tamad sa klase.
v Nadadala ng anong sinasbi ng kaibigan.

Pabilog na Grap


Share this:
custom writing low cost
Order custom writing

ads